♞♟♜♚ Huminto ang isang mamahaling kotse sa tapat ng kilalang company building, bumaba ang isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo na nakasuot ng branded na sa sun glasses. Inalis niya ang salamin sa kaniyang mata at sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang mga daliri, sabay lakad papasok sa loob ng kompanya. Bawat tao na kaniyang nakakasalubong ay binabata siya at nagbibigay galang sa kaniya. "Good morning Sir. Arch," sambit ng mga employee sa loob ng kompanya at dare-daretsyo lang ang lalaki na naglakad papunta sa kaniyang opisina. Hindi man lang lumingon o tumungo sa bawat taong bumabati sa kaniya bagkos mayabang 'tong naglakad paalis sa kanilang harapan at walang pakialam sa kaniyang nasasakupan. "Ano ang schedule ko for today?" Tanong ni Arch sa kaniyang assistance at tinignan nama

