♞♟♜♚ Pilit na tumayo si Reo sa kaniyang mga paa, tumindig kahit kabado at ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa kaba na dulot ni Arch. Alam niyang hindi lang siya ang nakakaramdaman nang matinding kaba na ‘to kung hindi bawat isa sa kanila, ngunit nakita niya kung pano labanan ng bawat isa sa mga kasamahan niya ang takot na ‘yun at palitan ng tamang para mabuhay. Mahina man ang karamihan sa kanila, ngunit pagpinagsama-sama naman ang kapangyarihan nila ay alam niyang may ibubuga silang lahat sa kalaban na ‘to. Kaya ngayon, pursigido na siyang lumaban at harapin ang takot na ‘to dahil hindi na siya nag-iisa, alam niyang kahit ilang beses siyang matumba at madapa ay may mga kaibigan siyang aalalay sa likuran niya para tulungan siyang makabangon muli. “Ano, ready ka na ba L

