"Tungkol sa mga dragon. Totoo bang walang dragon dito?" tanong ko kay Karren. Kanina pa kami nag-uusap at medyo guminhawa na ang nararamdaman ko. Marami kaming napag-usapan ni Karren tungkol sa mundong ito, tungkol sa akin at sa mundo namin. Habang nag-uusap kami ay napansin kong mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. Sa oras na ito ay wala na akong itatago sa kanya, sa kanilang tatlo. Hindi ko na kailangang magsinungaling dahil alam na nila ang totoo. "Wala. Walang mga dragon dito. Narinig ko na may mga dragon sa pinanggalingan mong panahon. Totoo bang sobrang laki nila at nakakalipad sila? Gaano sila kalaki? Kasya ba sila sa loob ng palasyo?" Napangiti ako na may halong lungkot nang makita ang katuwaan sa mga mata niya habang tinatanong niya ang mga ito. Nakakalungkot lang na wala

