Limang minuto na kaming nagpapalitan ng kapangyarihan. Habang pinapatamaan ko siya ay iniiwasan ko naman ang mga pinapatama niyang mahika sa akin. May mga nakikialam sa laban namin na mga kasama niya pero agad ko namang napapatumba. Kahit na may itim din silang mahika ay hindi nila katulad ang lalakeng 'to. Malakas siya kumpara sa kanila kaya siya rin ang leader nila. Sa tagal ng paglalaban namin ay umabot na kami sa labas ng palasyo nang hindi namin napapansin. Gustuhin ko mang tapusin kaagad ang laban pero hindi ko muna ginawa dahil gusto kong dahan-dahan siyang napupuruhan para mas lalo niyang maramdaman ang sakit. Lahat ng mga pinapatama niya ay naiilagan ko habang siya ay mayroon siyang hindi naiiwasan sa mga pinapatama ko. Malakas at mabilis din siya pero wala siya sa lakas at bi

