Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi parin sila dumating. Kinakabahan na ako. Ang sabi nila sa akin ay kapag hindi sila dumating sa isang araw ay pumunta lang ako kay Kuya Pido. Ilang beses na akong bumalik sa bahay ni Kuya Pido pero wala akong maabutan na tao sa kanila. Kaya hindi ko mapigilan na kabahan. Hindi naman ako pwedeng pumunta sa palasyo na ako lang. Baka pagkamalan pa nila akong masamang tao at mapunta pa ako sa bilangguan nila. Napabuntong hininga ako nang matanaw ang bahay ni Kuya Pido. Ito na ang huling beses na pupunta ako rito. Kapag wala parin akong maabutan na tao ay maghahanap na ako ng ibang paraan na makita silang tatlo. "Kuya Pido?" tawag ko kay Kuya Pido sabay katok sa pintuan ng bahay niya pero walang sumagot kaya muli akong nagpakawala ng buntong hininga.

