Chapter 19

1082 Words

Madilim na nung umalis kami sa Lungsod ng Xieros papunta sa sunod naming titigilan na lungsod. Sa Lungsod ng Warlo. Malapit lang ang Lungsod ng Warlo sa Xieros. Sampung oras lang ang ibi-biyahe namin kaya bukas ay darating na kami doon. Kasalukuyan kaming nasa labas ng barko. Katatapos lang naming kumain at nandito parin kami sa harapan ng lamesa. "Hayyyy. Nakakapagod." sabi ni Karren at sumandal sabay nag-inat ng mga kamay. "Kunting tiis na lang. Makakauwi na tayo sa kaharian." sabi naman ni Ken habang nakatingin sa mga daliri niya. Mukhang nagbibilang ng araw. "Siya nga pala, Jana. Sino ang nagturo sayo na lumaban? Ang galing mo!" baling sa akin ni Karren at umupo ng maayos. "Ahh.." Napatingin ako sa kanilang tatlo nang mapansin na naghihintay silang lahat sa sagot ko. "S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD