Chapter 22

1040 Words

"T-Tulong!" Agad kaming pumunta ni Russell sa pinanggalingan ng boses. Nakita namin ang mga bahay na nasusunog. "s**t!" "Doon!" Lumapit kami sa isang bahay kung saan doon nanggagaling ang boses na humihingi ng tulong. Hindi pa ito tuluyang nasusunog dahil nasa bandang dulo ito. Hindi na kami nagsayang ng oras at diretso kaming pumasok sa loob. "Tulong.." Agad namin tinulungan ang isang babae na pilit na umaalis sa malaking kahoy na nadagan sa kanya. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya at inalalayan siyang tumayo. Sunod-sunod siyang tumango habang tumutulo ang mga luha niya. "S-salamat. M-maraming salamat.." "Ikaw lang ba ang tao dito? Wala kang kasama?" "O-Oo ako lang ang naiwan." mahinang sagot niya. "Lumabas na tayo. Hindi na ligtas dito." sabi ni Russell

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD