Chapter 45: Part 1 Finale Sky's POV Isang linggo kami di pumasok sa school. Dumaan kami sa matinding pagsasanay kasama ang Beast. Pinilit namin ibalik ang dating kami. Mga babaeng walang pakialam sa iba. Mga babaeng kinakatakutan. Mga babaeng walang pakiramdam. Nagtagumpay naman kami at naibalik namin yun agad. Pero gaya ng isang sugat, di na namin basta matatanggal at mabubura ang nangyari. Ngayon, babalik na kami sa school namin. Malapit na ang Christmas Break. Huling linggo na to. Nang dumating kami, may lumapit sa aming estudyante. Pangahas -_______- "Sky! Salamat at dumating na kayo!" sabi niya. -_____- do we know you? "Anong nangyari?" sabi ni Carleigh. "May nambubugbog po ng estudyante dito! Di lang po ang mga lalake ang pinapatulan, pati rin mga babae, pinagdidisk

