Nandito ako ngayon sa restaurant. Matapos kasi ng pag-uusap namin nina Kuya, pumunta agad ako dito. Ilang araw din akong hindi nakakapunta dito. " Ms. Nicole! " tawag sa akin ng ilang mga trabahante ko. Ngayon alam niyo na ang totoo na hindi talaga ako isang mahirap. Alam niyo na ako ay isang mayaman at kapatid ko sina Michael Morales na kilala bilang isang mahusay na business man at si Mike Morales na kilala bilang isang sikat na artista. Hindi talaga ako kilala ng mga tao, dahil ang alam lang nila e may bunsong kapatid nababae sina Kuya. Ayaw ko kasing ipakilala ako sa mga tao dahil ayaw ko na pinaguguluhan ako at makuha ng atensyon. Napatingin naman ako sa mga employee ko. " May problema ba? " tanong ko sa kanya. " Kasi po, hindi po makakadating ang banda ngayon. May problema po

