" Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari kahapon? " tanong sa akin ni Kevin. Nandito kami ngayon sa hideout nila sa school. Maging mga kaibigan niya at si Mela nandito rin. " Walang nangyari kahapon, Kevin. " sagot ko naman sa kanya. " You're lying! Kung wala nga nangyari kahapon. Bakit kalat na kalat ngayon sa campus yung ginawa mo kina Sabrina sa banyo. " Napatingin naman ako sa kanya. Wala talagang magawa yung Sabrina na yun para ipagkalat yung nangyari kahapon. Ginawa niya siguro yun para maawa sa kanya yung mga tao dito. " Oo nga! Nicole. Ano ba talaga ang nangyari kahapon? " tanong naman sa akin ni Mela. " Ano ba ang narinig niyo kanina pagpasok niyo? " tanong ko sa kanila. Sa nangyayari kasi ngayon, parang ako yung pinalabas na masama. " Narinig namin na pinapunta mo

