" Tara na! " aya ko sa kanila. Sabay naman kaming tumakbong tatlo papunta sa sasakyan ko. Nang makarating kami sa sasakyan ko, agad naman silang sumakay na dalawa. Si Niko ang nasa backseat habang si Kevin nasa front seat. Papasakay na sana ako ng maabutan kami ng mga kakampi nila. Nalintikan na. Sumakay na ako sa driver seat saka ito minaneho. " Hindi ba sila maubos-ubos. " naiinis na sabi ni Niko. Hindi ko siya pinansin. Hinarang ko yung sasakyan sa mga dating na kalaban. " Ano ba ang ginagawa mo! Magpapakamatay kaba? " naiinis na tanong sa akin ni Kevin. " Nicole, umalis na tayo. Bago pa nila tayo maabutan. " kinakabahang sabi na rin sa akin ni Niko. Hindi ko sila pinansin. Sa halip nilagyan ko ng bala ang aking baril. Dahil naubos na ang bala nito. " Watch and learn. "

