* Nicole POV * Nakapasok na ako sa sinasabing lugar ni Denise kanina. Sumalubong agad sa akin ang mga putukang nangyayari dito. Kaya agad kung kinuha ang baril ko na nakatago sa likod ko. Bakit kasi napaaway na naman sila. Ano na naman bang pinasok nilang gulo?! Papasok na sana ako sa loob ng lumang gusali ng may narinig akong nag-uusap. " Sumunod kayo sa amin- " " P-pero. " K-kilala ko ang boses na yun ha. Huwag mong sabihing- " R-relax lang pre. Susunod naman kami sa inyo. " Shit! Boses ni Kevin yun. Ano bang ginagawa nila sa lugar na to! At bakit sila nandito? Nagmamadali akong bumalik sa dinaanan ko kanina. Napatago ako ng makitang, nakakatutok sa kanila ang mga baril na hawak ng mga lalake. Bakit ba sila nandito. Hindi kaya-... Naloko na. Lumabas ako sa pinagtataguan

