* Nicole POV * Siguro tama nga yung mga sinasabi nila na wala talagang Forever. Wala talagang Forever sa pamamagitan ng dalawang tao. Ano ba talaga ang ibigsabihin ng Forever? Yun ba yung dalawang taong nagmamaghalan ng totoo? Yung walang away na magaganap sa pagitan ng dalawang taong may relasyon. Yung may tiwala kayo sa isat-isa kahit na malayo ka at malayo siya? O yun ba yung walang lukuhan na magaganap sa relasyon? Lagi kayong nagsasabihan ng mga secreto niyo para walang away? Pero sa isang relasyon, hindi naman talaga maiwasan ang may magaganap na away sa pagitan niyong dalawa. Kahit na maliit na bagay pinapalaki niyo, kaya nga maraming nagkakahiwalay ng mga couples ngayon diba? Simpleng pagkakamali lang kasi pinag-aawayan niyo na. Hindi ba pwedeng pag-usapan muna bago gumawa ng e

