Alam ko naman na sinabi ni Dan na magiging busy siya sa mga susunod na araw, but I didn't expect na ganito ang mararamdaman ko sa pagiging busy niya. Nag-uusap naman kami. Thankful ako na nakakausap ko pa siya kahit marami siyang ginagawa. Hindi ko naman hinihingi ang buong oras niya pero pakiramdam ko napipilitan siya ngayon kapag magka-usap kami. We are just talking about meaningless topics and sometimes we end up having a small argument. Baka nag-ooverthink lang ulit ako? Minsan kasi ay gabing-gabi na siyang nakakauwi kaya wala na siyang gana makipag-usap at magsasabi nalang na magpapahinga na siya. Nalulungkot lang ako dahil iyon lang ang oras namin ngayon pagkatapos ay hindi pa nasusulit. Normal ba na maramdaman ko ito? Baka sadyang nalulungkot lang ako kapag hindi ko nasa

