17

2465 Words

Bumalik na ako sa opisina at nag-focus sa trabaho. Well, sinusubukan kong mag-focus. Napag-isipan ko na huwag nalang muna sabihin kay Sir Jeth na anak niya ako dahil para saan pa? Masaya naman siya sa pera niya na parang hindi niya manlang hinanap si Mama Fe. For some reason, nagkaroon ako ng sama ng loob sa kanya dahil wala siyang ginawa para makita si Mama Fe. Alam din naman niyang buntis si Mama Fe pero hindi manlang niya kami hinanap. Sa kapangyarihan na mayroon siya ngayon, sigurado akong isang utos lang niya ay mahahanap na niya kami. Noong natapos ko na ang ginagawa ko ay pumasok ako sa opisina ni Ma’am Vhynne. Inilapag ko ang isang letter sa table niya kaya napatingala siya sa’kin. Kinuha niya ang letter para basahin. “What? Resignation letter?” buong pagtataka niyang tanong. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD