“Dan, wait!” Hinabol ko siya sa loob ng bahay nila. Sa sobrang focus ko sa facial expression ni Dan at sa kamay niyang nakayukom ay hindi ko mapansin na ang gwapo niya sa porma niya. Naka-baseball cap at earphones pala siya kaya hindi kaagad niya narinig na tinatawag ko siya. Nagulat pa nga siya na sinusundan ko siya. He is wearing his favorite Burgundy rubber shoes, plain v-neck white shirt and pants that I bought for him. “Kelly, hindi ko alam na nandito ka na pala. Are you with Boss Jeth and others?” he asked, removing the earphones and cap. New haircut na naman, mas dumagdag sa kagwapuhan niya ang bagong style niyang buhok. And, I like the style. Nagtaka naman ako sa sinabi niya, hindi niya alam na nandito na kami samantalang nakita naman niya kami sa labas. Wait, nawawala

