-RACHELLE'S POV Ang saya sa pakiramdam na nakikita mong tinutupok ng apoy ang malaimpyernong lugar kung saan ginagawa ang mga drogang kalat ngayon sa bansa na sumisira sa buhay ng maraming tao,mapabata man o matanda. Nakakaproud maging parte ng wild force. Hindi mahahalatang mga bugok ang mga myembro nito dahil pagdating sa misyon ay nagagawa talaga nila ng maayos ang kanilang mga trabaho. Ang sarap din sa pakiramdam na kasama ko ang aking mahal na si Clark sa misyon. Nasa loob kami ng malaking van. Nagkasya kaming labing-isa kaya siksikan kaming lahat na parang sardinas pero masaya naman. Ayaw kasi nila na makibukod,pwede naman kasing magdalawang sasakyan. Mas gusto talaga ng nahihirapan eh. Mga bugok talaga. Nagkatinginan kami ni France saka kami nag-apiran. Napatingin sa amin ang

