CLARK'S POV Sinilip ko muna ang babaeng nasa kama bago ako lumabas ng kwarto nito.Mahimbing na itong natutulog. Napangiti ako.Napagod ang reyna ko. Inilabas ko ang celphone ko mula sa aking bulsa at idinial ito.Tinawagan ko si Artheus. "Hello." anang ng isang baritonong boses sa kabilang linya. "I will send you some photos,kindly look at them and please do a research who those people are." "Ganyan ka na lang ba palagi saka na lang tatawag kapag may kailangan ka tang-ina ka." Napatawa lang ako sa boses nitong akala mo naman ay totoong nagtatampo. Kung nakikita lang sana nya ako ay binigyan ko nanaman sana ng isang dirty finger ang unggoy na to. "Eh anong gusto mo araw-arawin kitang tawagan kahit wala naman akong sasabihin?Sira pala ang tuktok mo eh." Humalakhak ito sa kabilang lin

