RACHELLE'S POV Ilang buwan din ang lumipas. Hindi ko masasabing nakalimutan ko na si Clark pero nagpatuloy ang aking buhay. Bumalik ako sa trabaho at kasalukuyang tinutuloy ang misyon sa pagkalap ng ebidensya laban kay Mr. Kabayoshi. Mailap kasi ang matandang iyon. Ilang buwan ding wala akong balita sa wild force team,ayoko kasing makibalita at baka bumalik lang ang sakit nang pag-iwan sa akin ni Clark. Nasa bar nanaman ako kung saan nagpanggap ako bilang si Dark Angel pero hindi na ako nakamaskara. Sa pagkakaalam ko kasi ay ban na dito si Dark Angel dahil nalaman na nila na isa itong spy. Ngayon ay narito uli ako bilang si Rachelle,si agent fox. Nag-order ako ng beer at konting fries pangpulutan. Habang nainom ako ay may isang lalaking lumapit sa akin. Tiningala ko ito. Medyo madili

