CLARK'S POV Maaga akong nagising,actually hindi naman ako nakatulog talaga. May bumabagabag kasi sa aking isipan,ang nangyari kagabi. Bumaba ako sa kusina para sana magtimpla ng kape nang mabungaran ko sina Artheus at Vhon na nag-uusap sa mahinang boses. "Babalik na pala kami ngayon sa America.",ani Vhon habang nainom ng kape. "Ang aga nyo naman yata? I mean ang bilis. Anong sabi ni France?",kumuha din ako ng capsule at ipinasok ko sa coffee maker machine. "Naiintindihan naman nya dahil trabaho naman ang pupuntahan ko doon. Isasama ko si Artheus pala,mamaya na ang flight namin. Mag-ingat kayo dito,lalo na alam ng kalaban ang mga galaw natin." Umupo ako sa katabing upuan ni Artheus. "Pwede nyo bang sabihing sumama ako sa inyo? Hindi namn ako talaga sasama pero papalabasin lang natin

