CLARK'S POV "Mahal naman,wala namang ganyanan. Uy.",kinakalabit ko ito kahit nakatalukbong ng kumot. Inabas nito ang kanyang gitnang daliri saka nagsalita. "Go to h3ll j3rk!" Natatawa ako na napapakamot ng ulo. May regla yata ang mahal ko,mainit nanaman ang ulo nito sa akin. Tumayo muna ako para lumayo sa kanya. Mahirap na,baka masipa nanaman ako nito. Tumatalsik pa naman ang mga sinisipa nito. Dapat kasi hindi agent fox ang pangalan nito kundi agent horse. Pero hindi ko na sasabihin sa kanya at baka hindi na talaga ako abutin ng umaga. Lumabas ako ng bahay para tawagan ang mga kasama ko. Sigurado akong magugulat sila kapag nalaman nilang buhay pa ako hanggang ngayon. Isa-isang nagsisagutan ang aking mga kaibigan ng telepono. Alam kong nakataas ang mga kilay ng mga ito dahil tumata

