Chapter 10

2012 Words

Chapter 10   Nagulat si Aisha sa sigaw ni Knight. Parang napakabagsik nya. Madalas naman sila magsigawan nito pero bakit ngayon parang iba yung sigaw niya? Parang nakakatakot, maluha-luha ang mga matang tumakbo papalayo si Aisha. Takbo lang siya ng takbo, hindi niya alintana ang biglang pagbuhos ng ulan hanggang sa marating niya ang dulo ng isla kung saan may malaking tipak ng bato. Inakyat niya iyon at nang marating niya ang ituktok ay nagsisisigaw siya!   "KNIGHT JUSTON ESTUDE! Nakakainis ka! HINDI IKAW SI PRINCE! Hindi ikaw si MASK RIDER BLACK! Isa kang asshole!" Ubod lakas na sigaw niya. Sobra-sobra ang tuwa niya nang malaman na ito pala ang nakilala at hinangaan niya noong bata pa siya. Pero sa isang sigaw lang ni Knight tila bumalik sa alaala niya na kinaiinisan nga pala niya ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD