Chapter 13

2250 Words

NANG makaalis si Dave, bumalik sa banyo si Dana. Humarap siya sa salamin sa taas ng lababo bago tinanggal ang tuwalya sa kanyang ulo. Maingat niyang sinuklay ang kanyang basang buhok. Eksaktong maibaba niya ang suklay nang makarinig ng katok sa pintuan. Agad na binuksan ni Dana ang pintuan. Nakita niyang nakatayo sa labas ng banyo si Dave. “Tingnan mo kung puwede na ito,” ani Dave sabay abot sa kanya ang dala nitong damit. Walang imik na tinanggap ito ni Dana. Ini-lock niya ang banyo bago ibinaba sa may lababo ang damit. Binuklat niya ito at nakita niya ang itim na shirt at jogging pants. Hinubad niya ang kanyang robe at isinuot ang shirt. Laglag ang balikat nito at umabot hanggang sa gitna ng hita niya ang laylayan ng shirt. Mabuti na lang at bagsak ang tela nito kaya hindi halatang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD