“MA’AM excuse me po.” Napakurap si Dana mula sa kanyang pagtitig sa monitor ng desktop. Kinusot niya ang kanyang mata bago hinarap ang pinanggalingan ng boses. Napakunot ang noo niya nang mapansin ang naka-unipormeng empleyado na nakatayo sa harapan ng kanyang mesa. “Ano iyon?” nagtatakang tanong niya sa janitor. “Ma’am ipinapabigay po ito sa inyo,” wika nito sabay lapag sa isang plastic bag sa ibabaw ng kanyang mesa. “Ano naman iyan? Hindi akong nag-order ng ganyan, ah,” katwiran ni Dana nang mapansin ang pangalan ng fastfood sa plastic bag. Napakamot ng kanyang ulo ang janitor. “Eh, Ma’am ibinigay lang po iyan sa akin ng guwardiya sa baba. Ang sabi po niya ay ihatid ko raw sa inyo,” paliwanag nito. “Kanino raw ba galing iyan?” usisa ni Dana sa kaharap. “Hindi ko po alam, Ma’am. W

