Nag took advantage si Vin na pagmasdan ang sumasayaw na dalaga. Halatang gimikera talaga ang isang ito. Nakakasunod kasi ito sa beat ng musika. At nang pagmasdan niya ang mga kalalakihan roon, nakuha talaga ni Kelly ang kanilang atensyon. Nakakuha rin siya ng pagkakataon na magmasid dahil nakatuon lang naman ang lahat ng atensyon kay Kelly. Namukhaan naman niya ang ilang notoryos na tao roon, gaya ng smugglers, at mga high-profile na drug personality. What he didn't see were the top-level government officials and high rollers Gamarillo ran with. Damn. Sorry kayong mga kumag kayo, pero mauudlot ang kaligayahan ninyo. Hinila na niya si Kelly at agresibong hinawakan niya ang beywang nito na kunwari daig pa ang nagseselos na boyfriend. "Nagsasaya pa ako," she proclaimed. "Gusto ko pang suma

