Mahigit tatlong oras na nagmamaneho si Vin. Malayo na rin sila sa port area. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Kelly mula sa passenger seat. "Hindi ko pa alam sa ngayon. Ang gusto ko lang ay makalayo tayo roon." "Pano ang pakikipagkita mo kay Zaratoga?" Napakibit-balikat siya. "Hindi pa maari ngayon. In the meantime, kailangan ko munang ma e track kung nasaan na ngayon si Gamarillo." Kailangan rin kasi niyang mahanapan ng ligtas na lugar si Kelly. Pero napakunot-noo na lamang siya nang maalalang dinala niya pala dito ang babae para sa kanilang misyon. Lumambot na kaya ang puso niya para sa bratinelang prinsesa? Nah. No way. At 9:00 p.m. according to his watch, nag dropped by muna sila sa gas station para makapag gasolina. Bumaba siya sa kotse at tinawagan si agent Jenan Bachman. Sumagot

