Chapter 59 (Yssa POV)

1764 Words

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang tatlong anak na naglalaro sa malaking sala na nasa loob lang din mismo ng malaking kuwarto namin. Ang bibibo ng mga ito. Ang lilikot na rin masyado. Halos mapagod ang yaya ng mga ito kakahabol sa kanila. Paroo't parito ba naman ang kalikutan ng tatlo. May minsan napapaluha na lang ako kapag nakikita ko kung paano lambingin ng dalawang lalaki ang prinsesa nilang si Isabella. Tipong kahit bata pa sila, alam nila na may nag-iisa silang prinsesa na dapat nilang protektahan. Makikita ko na lang na hinahaplos nila ang mukha ni Isabella at kinikilig naman ako kapag nakikitang hinahalikan sa pisngi ni Charles si Isabella kapag umiiyak ito. They're so cute! Tahimik lang si Charles ngunit kita ko rito ang pagiging malambing na minana sa ama nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD