Pagkapasok ko pa lang ng opisina, 'agad nagsibatian ang mga empleyado ko. "Good morning, sir," nakangiting bati sa 'kin ng secretary kong si Fatima. "Morning," nakangiting sagot ko, bago tuluyang pumasok sa CEO OFFICE. Mabait at palangiti akong boss. Ngunit kapag oras ng trabaho, gusto kong ang lahat ay naka-fucos sa kaniya-kaniyang trabaho. Ang totoo, kapatid ng daddy ko ang asawa ng Dela Rogo. At kinasabwat lang ito sa plano ng mga parent's ko at parent's ng asawa kong si Isabel dahil na rin sa kagustuhan ko noon pa man. Kaagad kong hinugot sa bulsa ang cellphone ko, pagkaupo pa lang sa swivel chair. "Huwag niyong hayaang mawala sa paningin ninyo ang asawa ko. Inform 'agad sa akin ang lahat ng nakikita niyo," wika ko sa kabilang linya. "Yes boss." Kaagad kong ibinaba ang cellp

