Napangiti ako ng masilayan ang magandang mukha ng asawa ko. Ang himbing pa rin ng tulog nito. Maingat kong kinintalan ang medyo nakanganga pang labi nito. At saka dahan-dahang bumaba ng kama. Pagkaligo, dumiritso ako ng kusina. Nakangiti pa ako habang nagluluto ng almusal. Ang malaman kong mahal na rin ako ng asawa ko. Sobrang saya sa pakiramdam. Ang tagal ko rin itong hinintay. Ang magtapat ito sa akin. Saktong pagpihit ko, upang ilagay sa lamesa ang ham at egg ng makita ko sa pintuan ang asawa ko. Nakatayo ito habang humihikab. Bigla akong napangiti ng makita ang suot nitong damit. Halos nasa kalahating hita lang nito ang haba. Kaya naman kitang-kita ang mapuputi, makinis at bilugan nitong legs. Kahit maluwang ang suot nito. Still, napaka-sexy pa rin tingnan ng asawa ko. N

