Bigla akong napapitlag ng tumunog ang telepono na nasa ibabaw ng lamesa ko. Humugot muna ako ng buntong hininga bago ko nagawang sagutin ang nasa kabilang linya. Ilang araw na rin akong napapatulala. Simula kasi ng muntikang may maganap sa amin ng asawa ko, bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi ko na ito naaabutan sa umaga at kahit sa gabi, hindi kami nagkikita. Isang simpleng note lang ang inilalagay nito sa center table sa living area. Ramdam kong umiiwas ang asawa ko. Labis akong nalulungkot at natatakot. Ayokong bumalik ito sa dati. Kahit kasi sa umaga, hindi ko ito makaharap at mukhang sinasadya nitong huwag gumising ng maaga at lumabas ng kuwarto hanggat hindi ako umaalis. Sa gabi naman, halos hatinggabi akong naghihintay, ngunit wala pa ring asawang dumarating, hang

