"If I do this, You give me that -- such prayers are inherently complicated. Pray with an attitude of surrender." *** Hindi naghihintay ang oras, wala itong sinasanto o pinipili. Alam iyon nina Aries at Leona. Sa lalong madaling panahon, ay dapat panagutan ng pamilyang Soterio's ang kasalanang ginawa nila. Kundi ay baka magtangka pang tumakas sa batas ang mga ito. Nagtungo sila sa opisina ng Private Lawyer na si Atty. Rivera upang magtanong ng legal advice at maasikaso ang mga affidavit o salaysay ng mga witness. Pinalad sila na makumbinsi ang pamilyang Palaina at ang sepulturero ng Heaven's Peace Memorial Garden. Naibigay na rin sa kanila ang medicol legal at nangako rin si Dr. Lambert na susulpot sa hearing kung kinakailangan. Wala na silang dapat pang problemahin bukod sa agarang ma

