gayuma

1257 Words
Nanginginig ang buong katawan ni Luisa pag labas niya.Hindi siya makatingin ng derestso dahil inaaalala niya ang kanyang hitsura kahit pa may suot siyang blazer ay hindi parin maitatago kung ano ang nangyari sa loob.Naririnig niya ang mahinang bulungan habang naglalakad siya pabalik sa desk niya.Agad siyang nilapitan ng kaibigan at hinimas sa likod.Unti unti rin nitong itinali ang buhok niyang gulo gulo. "Ano ba ang nangyari? Mabuti pa ay umuwi ka muna. Ako na ang bahalang mag paalam sa iyo kung haha-napin ka."Tumango lamang siya sa sinabi nito. Pag uwi niya ng bahay ay doon niya lamang. naram-daman ang bigat at sakit ng buong katawan.Muntik niya pang maisuko ang sarili sa pangit na sitwasiyon. Sigurado siyang kahit magmakaawa pa siya at maglu-pasay ay hindi na siya nito muling patutungtungin roon.Sa isiping iyon siya lubusang napaluha.Ang una niyang ginawa ay tinawagan ang kanyang papa.Pina-alam rito ang balak niyang pag uwi.Ibibilin na lamang niya kay Marie ang pagliligpit ng kanyang gamit sa opisina. Ngayon niya na tinanggap ang pagkatalo. Akala pa naman niya pag inamin niya ritong isa rin siyang heredera ay magbabago ang pagtingin nito sa kanya.Ngunit nagkamali siya. Ang planong tuluyang umuwi ng walang napapatuna-yan. Magpapalipas lamang siguro siya ng kabiguan. Siguro ay makikipagsapalaran nalang siya sa ibang kumpanya,marami pa naman diyan.Buong gabi siyang lumuluha magang maga ang mga mata niya kahit hin-di niya nakikita.Ilang beses siyang tinatawagan ni Marie ngunit sa oras na ito ay ayaw niya munang maistorbo. na Ibababa pa lamang niya ang gamit ng sumulpot sa harap niya ang bestfriend.Nagulat siya sa presensiya nito.Nagyakap sila ng mahigpit,habang nagtatawanan. Hindi lang siya nagulat sa sorpesang pagsulpot ng kaibigan kundinpati narin sa transformation nito. "Nagulat ka no?Konti nalang at sexy nakong katulad mo. Buti nalang at narito kana.Ano bang nangyari sayo at ngayon ka lang dumalaw?Aba'y halos mag lilimang buwan na ang matuling lumipas pero ngayon ka lang nakadalaw.Nasan na ang pangako mong dadalaw-da-lawin mo kami?"Nagtatampo ang tinig nito. "How about me?" Napangiti siLuisa sa boses ng ama na ngayon ay naglalakad papunta sa kanila.Niyakap niya ito at hina-likan sa pisngi. "Sorry Dad,masyado pong naging busy.Pero babawipo ako promise." "Nasa banyo kasi ako kaya hindi ko narinig ang busina mo.Halikayo sa loob at kanina pa ako nagpahanda ng magarbong pagkain para sa unica iha ko." Namiss ni Luisa ang mga fresh fruit at gulay na sa mismong farm nila galing.Nag umpisa na silang kumain at magkwentuhan. "Kanina ko pa naririnig ang tunog ng cellphone mo iha ah?Baka importante iyan bakit ayaw mong sagutin?" "Ok lang po dad,baka maging istorbo sa bakasyon ko." At ini off niya ang cellphone. "Siya nga pala best,matagal ka hinahanap nila sister sa bahay ampunan pasyalan natin one of this days hina-hanap ka na ng mga alaga mo 'ron." "Hayaan mo munang makapagpahinga ang kaibigan mo Blessy,malamang ay pagod iyan sa biyahe. " "Opo tito.Siya nga pala best bakit hindi mo ikwento kung ano ang naging lagay mo roon? Kanina pa tayo rito pero hindi ka man lang nagkukwento?." "Siya nga naman iha." Segunda ng daddy niya. "Wala naman pong masyadong ikukwento Pa.Ok naman ang naging boss ko doon." "Saan ka nga pala namamasukan?hindi mo kasi naba-banggit sa akin."Tanong uli ng kanyang daddy. "Sa MC STEEL FACIFIC po Dad." Tumango tango lamang ito sa sinabi niya.At maya maya pa ay dinalahit na ng ubo. "Dad,mukhang hindi maganda iyang ubo niyo ah?nagpatingin na ba kayo sa doctor?" Nag aalalang tanong niya. "Yan nga rin ang sabi ko kay tito best eh." "Its nothing iha.Simpleng pahinga lamang daw ang kailangan sabi ng doctor." "Kung ganoon ay hindi po pala kayo makakasama sa pamamasyal namin ni Blessy?" "Ang kaalamang narito kana ay sapat na para sa akin iha.'" Ngumiti siya. "Napapansin ko best na kahit magkasama tayo ay parang malayo ang itinatakbo ng isip mo?" Hindi na niya napigil ang sarili napaiyak na siya sa mga bisig nito.Ikinuwento niya rito lahat at wala si-yang inilihim pa. "Nagawa mo iyon?mukhang ang hirap paniwalaan best"Gulat na gulat na sabi ng kaibigan niya."Sabagay ganyan daw ang nagmamahal nababaliw. Kaya nga ako kinikilala ko muna silang lahat.Huwag kang mag alala, makakalimutan mo rin siya." Naawa ito sa kanva. Nang medyo nahulasan na si Luisa ay may biglang naalala"May sasabihin nga pala ako sa iyo pero huwag kang mabibigla"Sabi niya sa kaibigan. "Kinakabahan ako ah!Ano ba iyon?" "Si Harold," "Huwag na!Wala nakong interes malaman Pa." Natahimik nalang siya sa sinabi ng kaibigan.Ang tinutukoy niya kasi'y ang unang pag-ibig ni Blessie.Mayroon din kasi itong kinalikohang lalaki noon.Nagpakatanga rin ito ng husto subalit bandang huli'y natutunan din nitong kalimutan ang lalaki.Siya?Hindi niya alam kung matutunan niyang kalimutan si Matt. Habang nagpapahinga si Luisa ay naisipan niyang buksan ang cellphone.Siguroy umabot na ng isang daang messages at tawag buhat sa hindi niya kilalang number at ang isa ay kay Marie. Tinamad siyang mag-basa sa sobrang dami,kaya tinawagan niya nalang ang babae. "Hayyyy nako ka! Bakit hindi mo man lang sinasagot ang cellphone mno?alalang alala na ako sa iyong babae ka." "Sorry Marie hindi nako nakapag paalam man lang sa iyo.Natanggap mo naman siguro "Ay ano ka?hinahanap ka ni boss baka akala mo?hindi ko malaman sa lalaking iyon kung bakit biglang nagka-gaanoon.Mula ng umalis ka ay naging de numero kami rito.Maya't mayang parang dragon na laging galit si boss. Tinatanong nga kung saan ka nagpunta.Hindi ko naman masabi dahil hindi ko alam kung saan ang probinsiya mo.Hindi yata iyon ang sinulat mo sa records mo." Nagtaka siya sa sinabi nito.Siya?Pinababalik? ano ang dahilan?Isip-isip ni Luisa. "Tinanong mo ba kung bakit?" Hindi maitago ang exitement sa boses niya. "Gusto mo ba akong mamatay?Sino naman ang nag-kwento sayo na pwede kaming magtanong kay boss ng mga ganyang bagay lalo na at hindi tungkol sa trabaho!Nasaan ka naba?Bumalik kana bilisan mo na." Kanina pa nag paalam sa linya si Marie ngunit hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa narinig.Pagpasok niya sa opisina ay sinalubong siya ng mapanuring tingin ng mga katrabaho.Hindi niya nalang pinansin ang mga ito at dumeretso siya sa kanyang desk. "Pinagrereport kana ni boss.Pagpasok na pagpasok mo raw ay sabihin ko sayo kagad." Pinaghalong kaba at pananabik ang kanyang nararamdaman habang ini-hahanda ang sarili sa muli nilang pagkikita ng lalaki. Gaya ng dati'y kumatok siya at pinihit dahan-dahan ang seradura ng pinto.Nanlalamig siya habang huma-hakbang papalapit sa lalaki.Seryoso itong nakatingin sa kanya at muntik pa siyang mapalundag ng magsa-lita ito. "I have to terminate your contract as an accountant here." Nagtatanong ang kanyang mga mata sa sinabi ni Matt.Akala ba niya ay pinagrereport siya?Biglang magkahalong lungkot at pagkadismaya ang kanyang naramdaman sa narinig niya mula sa lalaki.Ngunit hindi pa man ay... "Because I will promote you as my personal assistant." Nakahinga siya ng maluwag.At napangiti na rito. "It means that I need you to be by my side anywhere, anytime.Even if it's outside the country." "Yes boss!" Naiilang siya sa unti unting paglapit nito sa kanya at umikot papunta sa kanyang likuran.Paghawak nito sa dalawang balikat niya sa likod ay naramdaman ni Luisa ang labi nito sa kanyang tainga. "Understand?" He whispered in her ear and gently touching her earlobe with his lower lip like his sedu-cing her. Bigla napasiklot si Luisa sa ginawa ng lalaki. "At kapag kinakausap kita ay huwag na huwag kang yuyuko.Look at me." Dahan dahan siyang nag angat ng tingin rito.Ang mga mata ni Matt ay humahagod sa kanyang kabuuan.Mula sa kanyang mga paa at tumigil sa kanyang dibdib at pagkatapos ay sa kanyang mukha. Bigla niyang naalala ang pangyayari sa buong silid.It feels like hes undressing and touching her just looking at her like that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD