partial payment

1186 Words
Papaano mga ba mahalin ng isang Matt Cordova?.. "Hey you!where is Matt?. Yeah you!are you deaf?ikaw nga."Nakairap na pahayag ng bagong dating na babae na ngayon ay nagtatanong na naniinis kay Luisa. "Who are you?Do you have an appointment?" Napipika niyang sabi sa babaeng kapapasok lamang at nagbububusa na kaagad. "Don't you know who I am?You idiot!"Sabi pa ng babaeng tila lalong nadagdagan ang inis sa kanya. "Miss Macey,Mr.Cordova's not here.Si Miss Cruz na madiin ang pagkakasabi sa babae,na kapapasok lang. "Who is she?Anong ginagawa ng ganitong klaseng bobang babae na ito dito?"Nanunuri ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.Hindi pa nasiyahan ay pinameywangan siya nito at umikot sa tabi niya haba-ng pinasadahan siya ng tỉngin mula ulo hangang paa. Hindi naman siya patatalo rito dahil itinaas niya ang kanyang noo at tiningnan rin ito.Alam niyang mas maganda siya kaysa rito. "Macey what are you doing here?hindi ba nasa bakasy-on ka?" Napangiti si Luisa sa pagdating ni Matt.Nakapamulsa ito at gwapong gwapo parin sa kanyang paningin.Ang sekretarya na si Misis Cruz ay kaagad naring lumabas. "Hindi natuloy ang bakasyon.Hindi ka kasi sumama.Hinahanap ka ng papa." Agad na lumapit ito sa lalaki at hinalikan si Matt sa labi.Nagalit siya sa nasaksihan at nagtangkang ihak-bang ang kanyang isang paa papunta sa dereksiyon ng babae.Nang napatigil siya sa tangkang paghakbang. Nagulat siya ng makitang tinugon ng lalaki ang ang halik.Matagal.Ibinaba niya ang kanyang mga mata ng makita niyang lumalalim ang eksena.Naramdaman niyang nahihirapan siyang huminga at ang dulo ng kanyang mga daliri sa kamay ay nag uumpisa ng mamutla dahil sa higpit ng kanyang pagkakapisil. Humakbang siya papunta sa kanan kung nasaan ang banyo upang kahit sa ganoong paraan ay makaalis siya sa eksenang iyon.Nang makapasok siya sa banyo ay naghilamos at iniayos ang pagkakapusod ng buhok.Pagkatapos ng ilang sandali ay lumabas na siya. Paglabas niya ay nakaupo na ang babae sa harapan ng table ni Matt.Uupo na sana siya at ipagpapatuloy ang ginagawa ng marinig niya ang boses ni Matt. "Make me a cup of coffee Miss Maod."Nakakailang hakbang palang siya ng ang babae naman ang may inutos sa kanya.Nagpupuyos ang damdaming napilitan siyang sumunod. Maghapon siyang dismayado dahil sa nangyari.Nasa condo na niya siya ng tumunog ang kaniyang cellphone.Kilala niya ang boses ng lalaki.Bagamat nagtataka kung bakit siya tinawagan nito.Pinapu-punta siya ng lalaki sa sinabi nitong lugar.Ibinigay sa kanya ang address at oras kung kailan siya pupunta. Mabilis pa sa alas kwatro na pumayag siya.Kahit pa pagod sa maghapon ay hindi niya kayang tanggihan ang lalaki.Ganoon ba talaga ang trabaho ng isang high rank assistant?wala siyang idea dahil baguhan siya sa trabaho.Halos tambakan kasi siya ng mga papeles na aasikasuhin.Pakiramdam niya ay ipinatrabaho na yata sa kanya ang lahat ng mga gawain ng buong emple-yado. Pagod na pagod siya paghahabol ng mga kaila-ngan. Nagbibihis na siya ng maalala ang nangyari kanina. Selos na selos siya sa nasaksihan.Wala naman siyang ilalaban dahil hindi pa niya alam kung saan siya lu-lugar.Sa kabila noon ay sumigla ang kanyang paki-ramdam sa alalahaning makikita niya ang lalaki.Siguro naman ay may pagkakataon na siyang iparamdam dito ang kanyang pagmamahal.Hustong nakabihis na siya ng tumunog ulit ang kanyang telepono dali dali niyang dinampot ito sa pag-aakalang si Matt na naman ang tumatawag ngunit nakita niya ang numero ng kaibi-gan.Sinagot niya kaagad ang tawag. "Hello best,kamusta na?Kailan kaba uuwi rito?" Ang kanyang bestfriend. "Kamusta na kayo di Dad?Siguro sa susunod na linggo" "Ano ka ba naman best!nung nakaraan ay hindi ka na nga gaanong nagtagal dito eh.Isa pa best may napu-puna ako lately kay tito Luis." "A--ano yon?"Nababahalang tono ng boses niya sa sinabi nito. "Hay naku best.Parang laging malalim ang iniisip at laging sumasakit ang ulo." "Baka naman pagod lang?"Medyo nakahinga siya sa sinabi nito.Akala pa naman niya ay kung napapano na ang kanyang daddy. "Ay naku..Ang mahalaga'y umuwi ka muna." "Kauuwi ko lang nung nakaraan diyan diba?Baka kasi hindi na ako payagan sa susunod."Napa buntung-hininga siya. "Ewan ko sayo best.Bahala ka nga.Magmula ng pu-munta ka diyan ay lagi ka nalang busy.Minsan hindi mo narin naaalalang tumawag." "Pasensiya na talaga best.Paki sabi nalang kay dad na babawi ako sa susunod.Sahihin n0 rin na miss na miss ko na siya and I love him very much." "Bakit hindi mo kaya tawagan?"Kahit hindi niya na-kikita ang kaibigan ay alam niyang nakasimangot ito. niyang nakasimangot ito. "Ikaw naman best alam mo namang baka magkai-yakan na naman kami.plsssss, sige na naman oh'' Naglalambing na paki usap niya sa kaibigan. "Ay nako.Ikaw na nga ang bahala." Napapahinuhod na sabi nito sa kabilang linya. "Love you best!"Pahabol na sabi niya rito. "Ho'oh na.Ikaw talaga."Alam niya parin ang kiliti ng kaibigan niya.Mapalad siya at mayroon siyang kai-bigan na ganito.Sinagot niya ang kanina pa sumisingit na tawag sa kanyang cellphone. "Where the hell are you?I don't have all the time just to wait for you."Boses ni Matt na sa tono ay inip na inip na. "Umm.. Im coming."Sabi niyang natataranta.Bago niya ibinaba ay nagpahabol ito ng salita nagpa-tuyo sa lalamunan niya. "Wear something sexy. "Napalunok si Luisa sa sinabi ni Matt. Habang nagbibihis ay hindi napapaknit sa kanyang isipan ang sinabi ng lalaki.Ano kaya ang ibig sabihin nito?Bigla siyang napatingin sa suot na mga panloob. Naisip niyang palitan iyon lahat.Namili siya ng kulay red na lingerie na victorias secret collection.Naglagay nalang siya ng nips tape dahil purong see trough iyon. Nagspray siya ng mamahaling pabango partikular na sa banda roon.Naglagay din siya ng lotion.Nang matapos ang kanyang pag aayos ay muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin.Inosente pa siya ngunit sa mga ikinikilos niya at ginagawa ay para na siyang sanay na sanay.Tama ang kaibigan,malaki na ang ipinagbago niya.Ni siya minsan ay hindi na niya kilala ang sarili.Kahit pa mismong siya ay masisi niya ba?Ngayon lamang siya nakadama ng ganoon,ngayon lamang siya nagmahal ng ganito at ganito pa ka pusok na kayang ialay ang lahat at kayang pagtiisan ang lahat upang mapalapit at mahalin lamang ng lalaking naging dahilan ng lahat ng pagkakaganito niya. ... Akala niya'y hindi na darating ang pagkakataon na iyon.Ang pagkakataong kanyang hinihintay upang maningil ng napakalaking pagkakautang.Sa laki'y tiyak na wala ng kakayahang magbayad ng may sala ngunit kung ang paninigil ay itutulad niya sa habang buhay,siguro nama'y kahit na tubo man lang ay maaari narin.Uumpisahan niya sa anak.Mas masakit ang gagawin niyang paniningil dahil ayon sa kanila,walang higit na sakit kapag sa anak ginawa,damang-dama mo ang pagbabayad.Kung sa paglipas kasi ng panahon alam niyang maigsi na ang buhay ng taong may kasalanan niyon kaya habang buhay pa ang ama ng babae ay dapat ng makita nito ang gagawin niyang pag ganti upang madala pa nito sa kabilang buhay ang mga alalahanin.Habang nagdudusa ito sa impiyerno'my nagdudusa naman sa lupa ang iniwan nitong anak gaya ng pagdurusa niya magpahanggang ngayon.Kung ano ang inutang mas higit parin ang ipalalasap niyang kabayaran... from the author:Kung umabot kana rito'y magsimula ng kumuha ng panyo o tissue for your own good.At magsimula naring mapuyat sa naghintay munang matapos ang buong kwento bago basahin.Kung nais nyo akong suportahan sa ABOT ng inyong makakaya ay narito po ang G-cash ko 09998134482 under the name of Sarah U.again,this is not obligatory!any ammount will do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD