Head over heels

1401 Words
Araw-araw ay nagpapaganda ng husto si Luisa.Sandali niyang kinalimutan ang dati'y tila wala pa sa isip ang mga ganoong bagay. "Uy Luisa,crush mo si boss no?" Ang bago niyang kaibigan sa trabaho.Katulad ng best-friend niya ay medyo may katabaan din ito at mabait. "Oo e.Hindi ko ba maitago?"Sagot niya habang kuma-kain sila sa canteen. "Sus!Noong una palang ay buking kana no! E sa tuwing makakasalubong mo si sir ay halos tumuwad kana at magpatumbling-tumbling.Ang dami na ngang nakakapansin sayo rito baka akala mo." "Wala naman akong pakieelam sa kanila eh,hindi naman sila ang nagpapasweldo sa akin ah'." "Ay nako Luisa kung ako sayo ititigil ko na ang ilusyon ko,dahil masasaktan ka lang." Iiling iling na sabi nito sa kanya. "Basta ako gagawin ko ang lahat mapansin lang ni boss.Bakit maganda naman ako ah?" "Hindi ko naman sinabing pangit ka friend,kaya lang sa katayuan natin na parehas paswelduhan lang ay masyadong alangan para kay boss.Kung titingnan nga ay mas maganda kapa na di hamak sa mga babae ni boss eh." "Yun naman pala eh.Pabayaan mo nalang ako."Kinin- datan niya ang bagong kaibigan. Natigil lamang ang pag uusap nila ng nag ring ang kanyang cellphone.Ang kanyang daddy na tinatanong kung kailan siya dadalaw.Medyo hindi kasi niya natutupad ang naipangako rito.Para bang mabigat sa kalooban niya ang malayo kahit isang saglit sa iniirog niya. Nakasimangot si Luisa ng araw na iyon dahil sa parehong dahilan.Ang makitang pumapasok sa pinto ng kanyang boss at ang babaeng madalas na puma-pasyal sa opisina at ang kaalamang ni hindi nan lang siya napapansin ni Matt kahit na halata namang nagpapapansin siya rito. Madalas niya itong sinasab-ayan sa elevator at lagi siyang nagpapahuli sa trabaho upang makasabay lamang ito pauwi. Sira na naman ang araw niya lalo na't kanina pa niya inoorasan sa loob ang babae. Bakit hindi man lang siya napapansin, e di hamak na mas may ibubuga naman siya at mas maganda sa mga ito?dahil ba isa lang siya sa mga tau-han rito? "Hi Luisa!l-imbitahan sana kitang kumain sa labas mamayang breaktime kung papayag ka?" Si Alfred na isang sample maker sa kabilang building na alam niyang nagpaparamdam sa kanya. "Sorry,Alfred sabay kami mamaya ni Marie eh."Napakamot ito at napapahiyang nagpaalam na. Hindi lamang ito ang nagparamdam sa kaniya ng ganoon,marami pa.Sa ibat ibang department ay gano-on din.Ngunit wala sa mga ito ang kanyang pinagbig-yan. Iisa lamang kasi ang gusto niyang pumasin sa kanya.Walang iba kundi ang kanyang boss. "Nabalitaan mo naba?"Si Marie habang ngumunguya sa upuan. "Ang alin?"Tanong ni Luisa. "Sa susunod na buwan daw ay magreretire na raw ang secretary ni sir."Naku siguradong mahihirapang ma-kakita si boss ng ipapalit kay Ms.Cruz,bukod kasi sa iyon lang ang tumagal sa kanya ay tumandang dalaga na ito sa paglilingkod kay boss. Bigla siyang nahulog sa malalim na pag iisip sa sinabi nito.Sabay may sumilay na maliit na ngiti sa dulo ng kanyang labi. "Naku!huhulaan ko.May plano ka no?Ay nako Luis-a,bahala ka na nga.Basta ako lagi lang akong nagpapa-alala sa iyo ha." Nakita pala nito ang reaksiyon niya.Nginitian lamang niya ito. Eksaktong linggo ang day off niya,kaya excited siyang umalis ng maaga upang magpunta sa bagong tuklas niya kung saan regular na nag wowork out si Matt tuwing linggo.Nag enroll siya nung nakaraang araw lang.Palibhasa ay kilala niya ang anak ng may ari kaya wala siyang naging problema sa pagtatanong ng schedule ni Matt.Naka midrib lamang siya at naka short shorts na parehas na kulay puti.Tinernuhan niya ng sketchers na kulay pink.Kitang kita ang kanyang kaseksihan at ang makurbang katawan.ini loose bun niya ang hangang bewang na buhok sa pinakatuktok ng kanyang ulo.Nang dumaan siya sa fitness gym ay hinahabol siya ng tingin ng mga kalalakihan.hindi lang kasi ang kanyang makurbang katawan ang maka- agaw pansin sa kanya kundi ang kanya ring mabi-bilog dibdib na tayong tayo.Ang kanyang kutis naman ay mala porselana at ito ay mas lalong nakakatawag pansin dahil sa mga pinong balahibong pusa nito. Hindi rin naman siya kaliitan.Sa taas nas'5 '6 ay pwede na.Sinadya niyang pumwesto sa harap ni Matt at nag umpisang gumamit ng treadmill habang ang lalaki ay napasulyap sa dereksiyon niya habang gamit nito ang barbel incline. Kaya pala malapad dibdib nito. Isang pagkatamis tamis na ngiti ang ibinigay niya rito.Nadismaya siya ng hindi man lang ginantihan ang ngiti niyang ipinagkaloob sa lalaki.Hindi siya nagpahalatang napahiya siya. Mag bebente minuto na ng mapansin niyang nagliligpit na ito upang umalis.kayat nagmamadali narin siyang nagligpit,alam niya kung saan ito pupunta.Handa na siya para doon. Dali dali siyang sumunod sa likuran nito,Kasusunod niya rito hindi niya namalayan na nabangga niya ang lalaki mula sa likod hindi niya kasi akalaing hihinto ito. Bigla itong nag about face at huling huli siya na nasa likuran mismo nito. "Are you intentionally following me, miss Maod?" "S-sorry boss,I'm not"Kandautal niyang sabi rito. Hindi pa siya tapos ng sasabihin ng umalis kaagad ito. Sa tennis court naabutan niyang may kausap itong lalaki at kasalukuyang naghahanda na ng raketa.Siya naman ay pasimpleng nag ayos narin.Isang minuto kasi ang pinalipas niya bago siya tuluyang sumunod rito.Nagtatawanan ang mga ito ng sulyapan niya. Hayyy!napakagwapo talaga ng Matt niya.At kung ngumiti talagang kumpleto na ang araw niya.Kailan niya kaya ako mapapansin?.Panay ang lingon niya rito kaya hindi na niya alam kung saan na tumatama ang bola niya.Pagbalik niya ng tingin sa wall ay papa-rating na ang kanyang tennis ball sa kanyang mukha At hindi na niya naiwasan ang susunod na nangyari. Pinagkulumpulan na siya ng iba pang naglalaro doon. May tumulong sa kanya tumayo at noon niya naram-daman ang panananakit ng kaliwang nata. "Are you alright miss?" Sabay may naramdaman siyang umalalay sa kanya. Nilingon niya kaagad ang paligid at inaasahang isa sa tutulong sa kanya si Matt pero laking pagkadismaya niya ng makita niyang ang lalaking kasama nito kanina ang siya ngayong tumulong sa kanya at nakita niya ang likod ni Matt na papalabas na sa tennis covered court.Nagmukha siyang tanga dahil sa sinapit niya.Ang masama pa roon bukod sa napahiya na siya ay hindi man lamang siya nilapitan ng lalaki.Nalaman niya kaya ang nangyari sakin?Baka naman hindi niya napansin na nadisgrasya siya?o baka naman may biglang tawag at iniutos na lamang nito sa kaibi-gan ang pagaasikaso sa kanya?Ah,baka nga ganoon? Kinabukasan pagka gising ay kinapalan ni Luisa ang paglalagay ng concealer at foundation ang kanyang mukha upang matakpan ang pangingitim.Nilagyan niya rin ito ng setting powder.Kahit papano ay natak-pan ang pangingitim nito.Nang makita niyang papasa-ra ang elevator at tila ang boss niya pa lamang ang sakay ay halos magkandarapa siya sa pagtakbo at ini-harang niya rin ang kamay upang tuluyang bumukas ang elevator,napansin naman niyang alam nitong paparating siya ni hindi man lamang nag-aksayang pindutin ang pampigil upang hindi tuluyang sumara. Dissapointed man ay bumati siya rito. "Good morning boss." Tiningnan lamang siya ng lalaki.Hindi parin siya nawalan ng loob.Sinadya niyang umurong papalapit rito.Inuunti unti niyang nilalapit ang likuran sa pamamagitan ng pausod usod ng pa-konti konti papunta sa dereksiyon nito.Dama niya ang coat nito na tumatama sa likod niya at tila may anghel na nakarinig sa mga panalangin niya ng umuga ng bahagya ang elevetor.Sinamantala niya iyon upang kunyari'y mapa-sandal siya rito. "S-sorry boss." Pasimple siyang sumulyap rito.Galit itong nakatingin sa kanya dahil ngayon ay salo siya nito sa magkabilang braso at salubong ang kilay.nakatingin sa kanya. Napapahiya siyang nagyuko ng tingin.Hindi na siya tuloy makatingin sa dereksiyon nito.Kaya ng tumunog ang elevator ay para siyang naestatwa kaya nabunggo pa siya ng lalaki ng lumabas ito muntik na tuloy siyang masubsob.At tila wala namang pakielam ito na nilag-pasan lang siya. Atleast naramdaman naman niya kung paano saluhin ng lalaki.Ramdam parin niya hanggang ngayon ang tigas ng mga dibdib nito.Para siyang ipinaghehele sa trabaho, maghapon siyang nakangiti dahil lamang sa insidenteng iyon. Habang may nirerevise siya ay bigla siyang pinatawag ng kan-yang boss.Bigla nanaman siyang naturete bago siya pumasok sa loob ng opisina nito ay dumeretso muna siya sa cr,inayos ang sarili at nagwisik ng pabango. Di-nagdagan pa niya ang lipstick.Nang makuntento na sa hitsura ay nagmamadali na siyang tumalima.Kumatok muna siya bago siya pumasok.Nang marinig niya ang boses nito ay pinihit na niya ang pinto.Nakayuko ang lalalki at abala sa binabasa ng magsalita ito. "Prepare and examine the financial record of this year and make sure that all the records are accurate and taxes are paid properly on time." Ni hindi man lang ito tumingin sa kanya,nanatiling nakayuko ito at may ilang bagay na pinipirmahan. Kahit na kaunting pagtingin lang sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD