Her nightmare

1431 Words
Mabigat na bagay na pakiramdam niya ay dumagan sa kanya.At hindi napigilan ni Luisa na mawalan ng ulirat at noon di'y bumagsak siya sa mga bisig ng kung sino ay hindi na niya alam.Nang magising siya ay ma-sakit na masakit ang kanyang ulo at nakita niyang nakatayo ang lalaki at nakatingin sa kanya. "Are you alright now?Tanong ni Matt. "Anong?...."Hindi pa siya tapos sa kanyang sasabihin ng kasunod nito ay biglang sumakit ang kanyang puson. "What?Dinaluhan siya ng lalaki ng makita ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha. "M-Masakit." "Wait here,tatawag ako ng doctor.Sa wakas ay nakita-an niya rin ng consern ang mga mata nito na nag aala-la sa kanya. Binigyan siya ng ilang test at sinaksakan siya ng pain reliver para sa sakit.Hihintayin nalang nila ang resulta bukas.Si Matt ay nagpaaalam saglit na kukuha raw ng mga damit nila.Bakit kaya siya biglang nagkaganito?Siguro ay sa sobrang dami narin ng iniisip niya.Stress talaga siya at sunod sunod iyon.Napaluha nanaman siya ng maalala ang kanyang daddy.Matagal na palang nagkakaproblema ang kumpanya at hindi nito sinasabi sa kanya.Ngayon siya lubusang nakonsensiya dahil pinabayaan nya ang kanyang ama.Ni wala man lang itong sinabi sa kanya.Napaluha si Luisa. Sa kanyang pag iyak ay siya namang pagdating ni Mark na may mga dalang prutas. "Kamusta kana?" "Paano mong nalaman na narito ako?" Kumibit lamang ito ng balikat sa tanong niya. "Magpagaling ka.Baka papunta na rito si Lorna." "Teka nga pala,hindi ba mas matanda si ate sa iyo?bakit Lorna lang ang tawag mo sa kanya?" "Ayoko eh." "Ikaw talaga.Kahit ka kelan."Sabi niyang nakairap dito. "Magpalakas ka.Paano ka lalaban sa Isang giyera kung mahina ka.Ni hindi mo alam kung sino ang kalaban." Matalinhagang pahayag nito. "Anong laban ang pinagsasasabi mo?Anong ibig mong sabihin?" "Nothing.Basta tatandaan mo.Narito lang ako." Napasibangot siya sa sinabi nito. ... Hindi matanggap ni Luisa ang napakasakit at paulit ulit na sumasaksak sa isip niya ang resulta ng test niya.Parang recorder na paulit ulit na nag pe play kahit iwasan niya.Panay ang hagulgol niya.Naroon naman ang kanyang ate na umaalo sa kanya.Si Matt naman ay kasalukuyang nakikipag usap sa doctor. " Miss Maod mayroon kaming nakitang lump o bukol sa ovary na kailangang tanggalin.Natigilan sandali ang doctor bago nagpatuloy.Aside from that mayroon pa kaming iba pang natuklasan."Hindi pa man siya nakaka-huma sa sinabi nito ay may kasunod pa pala. "What is it doc?"Kinakabahang tanong niya. "Because the lump is in complicated spot I'm afraid that you can't have the ability to concieve anymore." Doon siya natulala at nanlupaypay. Siya?na nanganga-rap ng isang malaking pamilya dahil lumaki siya na walang kapatid ay hindi kailan man magkakaanak paa-no nalang ang pangarap niya,na maging isang ina?. Humagulgol siya sa kanyang palad sa kawalang pag asa.Di bale ng nagkasakit siya,ngunit ang maging isang baog?Sino pa ang lalaking magmamahal sa kanya?Ang katulad niyang isang punong hindi namumunga ay katumbas ng isang bagay na kahit kailan ay walang magiging silbi. "Shhhhhh.Its alright nandito lang ako."Ang boses ng ate niya habang siya ay nagdadalamhati. "Lalabas muna ko."Nag angat siya ng tingin at tanging likod na lang ni Matt ang inabot niya. "Ate,sino pa ang magmamahal sakin?kung si Matt nga na hanggang ngayon ay hindi pa ako natututunang mahalin ay parang isang suntok na sa buwan,ngayon pa kayang ganito na ang kalalagayan ko?" "M-Maraming paraan bunso.Pupwede ka namang mag ampon." "Pero ate." "Shhhh!Its going to be alright."Pagkatapos ay bumu-kas ang pinto.Ang nag aalalang mukha ni Mark ang bumungad sa kanya.Paglapit nito ay bigla siyang niya-kap.Imbes mailang dito ay napahagulgol nanaman siya sa bisig nito. "Narinig ko na ang lahat mula sa doctor.Wala naraw bang ibang paraan?"Tanong ni Mark sa kanya na punong puno ng pag aalala. Umiling na lang siya sa tanong nito.Nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito at agad na lumabas ng walang paaalam.Siya naman ay pinagpahinga na muna ng ate niya.Napapapikit siya sa kanikanina lang na nangyari,guato ni Luisang magising siya na ito'y isang malaking panaginip lamang. ... Sariwa parin sa isip niya ang pangyayari sa ospital mag iisang buwan na.Wala narin siya sa huwisyo. dumagdag pa ang madalas niyang panlalata, siguro dahil din sa hindi na niya ininom lahat ng gamot niya.Sabi kasi ng doctor ay makukuha paraw sa gamot upang matunaw ang mga ilang bukol na nakita sa kanya,nagpapalakas pa siya para sa nalalapit niyang operasyon na kung saan ay tatanggalin na kanyang obaryo medyo mababa kasi ang kanyang dugo at palalakasin pa ang kanyang immune system..Wala na siyang gana sa buhay niya at hindi niya pa maharap ang sariling kapakanan ng dahil sa sumpang tumama sa kanya.Isa pa ang isiping parang unti unting luma-layo lalo ang loob sa kanya ni Matt.Dahil ba sa nala-man nito na hindi na siya magkakaanak?. Ilang gabi siyang laging nag isip at wala siyang ganang kumain. Ang gusto niya lang ay mahiga at tumunganga.Kung iisipin niya pa ang nangyari sa mga kumpanya ay maloloka na siya kaiiyak. Nailit na kasi ng bangko ang dalawa nilang kumpanya.Ganoon din ang siguradong mangyayari sa hawak nila ng ate niya dahil sa mala-king pagkakautang nila sa bangko.Sunod sunod ang naging pagsubok sa kanila.Pinabayaan niya na lang kung ano ang mangyayari sa kanila.Kahapon ay di-nalaw siya ni Blessie at galit na galit sa kanya dahil hindi man lang daw siya nito binalitaan sa mga nang-yayari sa kanya.Hindi raw porke nariyan na ang ate niya ay makakalimutan niya naraw ang bestfriend niya.Kahit papaano ay gumagaan ang loob niya dahil sa mga sinabi nitong lahat. Lumipas ang maghapong nakaganon lang siya.Naging masigla lang siya ng dumating si Matt ng gabing iyon. "Kumain kana?"Tanong niya sa bagong dating na lalaki. "Hindi ba dapat ay ako ang magtanong niyan sa iyo?Look at yourself" Nagbaba siya ng tingin.Napahiya man ay nakaramdam si Luisa ng kaunting pag asa sa nakita niyang consern ng lalaki ngayon sa kanya. "Come lets eat."Napilitan siyang sumunod dito. Naka-pagtatakang ginanahan siya pagkain ng kasabay ang lalaki.Naparami siya ng kain at napangiti naman si manang Chandra dahil mukhang nasarapan siya sa niluto nito. Hindi kaya dahil naroon at kasabay niyang kumain si Matt?Sa araw araw ay nasasabik siya sa mukhanito.Para bang gustong gusto niyang laging nakikita ang mukha ng lalaki. Iniasa niya nalang sa katulong ang pagliligpit ng mga kinainan.Silang dalawa ay naupo muna at nagpahinga sa Lanai. Hindi niya napigilang isandig ang ulo sa balikat ng lalaki at pinabayaan lang siya nito.Ilang minuto silang nakaganon.Tiningnan niya ang kalangi-tan.Punong puno ng bituin at bilog na bilog ang bu-wan.Kay gandang pagmasdan.Para bang ang buwan ay isang hari at ang mga bituin ay ang mga alipin nito na nakatanghod sa kanilang hari na anuman ang iutos ay buong lugod na susundin.Parang ganoon si Matt.Para itong hari sa kanyang paningin na handa niyang pag-silbihan.Napatingin siya sa nakatagilid at nakapikit nitong mukha.Para bang ngayon niya lang nakita itong lumambot ng ganoon.Karaniwan kasiy lagi itong matigas, at ang mga labi'y para bang laging nakatiim. Ngayon ay payapa itong nakapikit. "Matt.'" "Hummmnnn."Sagot ng lalaki. "I have something to ask you." "What is it?" "Don't you feel anything for me?" Walang sagot. "Do you care for me?"Walang sagot. "Do you love me?" Dahan dahan itong napatingin sa kanya. "Pumasok na tayo.Mahamog na." Nagpatiuna siyang pumasok upang hindi makita nito ang luhang tuloy tuloy na umaagos sa kanyang mga mata.Derederetso siya sa banyo at naligo. Habang naliligo ay walang hinto sa pagpatak ang mga luha niya sa mga mata.Ramdam na ramdam niya ang pag agos nito kasabay ng lumalagaslas na tubig. Hinayaan lamang niya iyong umagos ng umagos.Alam niya.Alam niyang hindi siya nito mahal ngunit umasa parin siya na matututunan siyang mahalin nito kahit konti.Kahit konti lang...Subalit bigo siya.Isa siyang bigo.Lalo pa't wala naman siyang ilalaban.Wala na siyang ipagma-malaki.Wala. Paglabas niya sa banyo ay nasalubong niya ang lalaki. Nilagpasan siya nito at nagtuloy tuloy rin sa banyo. Nagpalit na siya ng damit pantulog at hindi namala-yang nakatulog kaagad siya.Nagising siyang nag iisa sa kama.Tiningnan niya ang oras.Alas tres na ng mada-ling araw.Natulog ba rito ang lalaki?Mukha naman,da- hil gusot ang kabilang higaan.Bumaba siya upang hanapin ito.Walang tao sa ibaba.Hinanap niya ito sa labas ngunit wala ring tao. Nang mapadaan siya sa kwarto ng kanyang ate ay may naulinigan siyang mga boses.Hindi na dapat niya papansinin at magsisimula na sana siyang humakbang paalis, ngunit may narinig siyang nagsalita.At hindi siya pwedeng magkamali kung kaninong boses ang narinig niya. Nanginginig ang mga kamay niya ng pihitin niya ang seradura ng pinto.Sarado ito.Tumigil siya sandali at itinapat ang tenga sa pinto ngunit wala na siya halos marinig. Nanginginig ang mga tuhod niyang kinuha ang mga susi sa cabinet mula sa sala. Humigit siya ng malalim na hininga at nagdasal na sana hindi tama ang hinala niya.Bigla niyang binuksan ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD