Ilang araw ng hindi tumatawag kay Luisa si Mark.Nag aalala na si Luisa para rito.Nakailang tawag na siya ngunit laging nakapatay ang cellphone nito.Ngayon pa naman ang balik nila para sa kanilang damit pangka-sal.Noong una'y nagtetext pa ito pero nitong mga na-karaang araw ay padalang na ng padalang ang natata-nggap niyang mensahe mula rito.Hindi siya nakatiis at tinawagan na niya si ate Lorna.Kasintahan siya nito dapat lamang ay malaman niya higit kanino man kung ano ang nangyayari sa kasintahan. "Ate Lorn's, alam mo ba kung bakit laging nakapatay ang cellphone ni Mark?Nag uumpisa na kasi akong mag alala sa kanya eh." Ilang minuto ang dumaan na katahimikan. May bumu-ndol na kaba sa kanyang dibdib. "Ate Lorna?"Kakaba kabang naghintay siya kung ano ang isasagot nito. "N-Nakakulong si

