Hanggang ngayon ay iniisip parin ni Luisa ang nangyari kagabi.Ano nanaman kaya ang pinaplano ng lalaki at ipinakilala siya nito kay Mr.Thompson?At paano nalaman ng lalaki ang tungkol sa binabalak nilang pagpapakasal?Totoo nga bang may tainga ang lupa?Duda siya sa binabalak ng lalaki.Dinampot niya ang cellphone ng tumunog ito. "O saan ka nagpunta kagabi?Bigla ka nalang nawala ah!di ka man lang nagpaalam.Nag alala tuloy ako sayo.Tinatawagan kita pero hindi mo naman sinasagot."Sumakit daw bigla ang ulo ng kaibigan at hindi na nagawang mag paalam sa kanya lalo na at busy siya sa pakikipagusap.Nagu-umpisa narin siyang magduda na mayroon itong hindi sinasabi sa kanya. Lately ay may napapansin siya rito.Lagi itong tahimik. Kukuha lang siya ng tiyempo at kakausapin niya ang kaibigan.Naligo na siy

