The big sister.

1356 Words
espesyal.Mukhang bagong paligo na ito dahil sa basang buhok at amoy ng sabon na sumisingaw sa katawan. "Good morning Matt,gising kana pala.Kumain kana nakaluto na ako." Sinabayan niya ng ngiti. Tumango lang ang lalaki at nagsimula na silang kumain.Pinanunood niya ito habang sunod sunod ang subo.Lihim siyang napapangiti rito dahil mukhang nagustuhan naman nito ang kanyang mga niluto.Abat kahit naman sinangag lang iyon ay espesyal ito dahil hinaluan niya ito ng green peas and corn saka oyster sauce with mayo sa ibabaw binudbu-ran niya rin ng spring onion. Tuwang tuwa siya ngayong umaga palang. Pagkatapos nilang kumain ay siya narin ang nagligpit at naghugas ng plato.Biglang sumagi sa isip niya ang ama.Kung saan man ito naroroon ngayon ay tiyak na matutuwa ito.Kahit pa ni walang kasiguraduhan ang relasyon nila ng lalaki ay masaya na siya.Wala pa kasi itong binabanggit tungkol sa kasal.Siguro ay bumu-bwelo lang ito tungkol doon. Natigil lang ang kanyang pag isip ng biglang may yumakap at humalik sa likod ng kanyang batok.Bigla siyang nanigas sa nakakakiliting hatid niyon. "M-Matt,n-naghuhugas pa ako ng plato." "Humn." Yun lang ang naging sagot nito sa kanya.Nag umpisa ng gumapang ang kamay nito sa ilalim.Ang mga halik sa kanyang leeg at balikat na minsan ay sumisipsip. Ikinulomg nito sa mga daliri ang kanyang korona at bahagyang pumisilpisil.Hindi niya alam kung ano ang gagawim niya dahil nakasawsaw sa bula ang mga kamay niya. "Ump." Ungol na nanggaling sa kanya habang nakatingala ang kanyang ulo at nakasandal sa kapwa ulo ng lalaki Mahusay magpaligaya ang lalaking minamahal.Para itong droga na unti unting kumakalat sa kanyang sistema.Palagay niya'y naadik na siya rito.Hindi na yata siya mabubuhay kung wala ito mundo.Ito ang hangin na bumubuhay sa kanyang pagkatao. ... Hindi alam ni Luisa kung matutuwa siya o malulung-kot dahil sa naging pag uusap nila noong nakaraang linggo ng lalaki kaugnay sa pagkakatanggal niya sa trabaho sa opisina nito.Naiintindihan niya naman ang lalaki dahil narin sa negosyong aasikasuhin niya sa kanila.Mapapadalas din naman ang punta nito doon dahil ito ang mag aayos lahat ng naging problema. Ngunit tila nababahala siya sa mga ilang araw na magkakahiwalay sila nito lagi.Ilang gamit narin niya ang naipack na niya sa tulong ni Marie sinaglit siya ni-to dahil tutulungan daw siyang mag pack. "Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala friend na kayo na talaaga ni boss at take note marami ang nagsipagtaasan ang mga kilay dahil alam mo na,sa inggit.Pero matapos nilang malaman na hindi ka pala basta basta lang ay natahimik ang mga bunganga ng mga dalahira." "Hayaan mo lang sila Marie.Wala naman akong plan-ong pumatol sa kanila kahit noon pa.Ang mahalaga,ay heto kami,magkasama."Ngumiti siya rito pagkatapos sabihin iyon. Natahimik naman ito at may sumaglit na kung ano sa mga mata. "Basta,sana lang ay lagi kang mag iingat at 'wag kang masyadong tiwala sa mga taong nasa paligid mo.Kahit pa ang mga taong kasa-kasama mo."Makahulugang paalala nito sa kanya. Siguro ay siya nalang ang makakabiyahe sa ngayon dahil abala si Matt sa opisina.Ilang araw narin kasi nitong inihanda ang iba pang business at ang mga taong inaasahan upang sa mga sandaling wala ito ay alam na ng mga tao kung paano ang gagawin. Hindi niya maiwasang hindi maawa sa lalaki.Dahil sa mga isinasakripisyo nito para lang matulungan siya. Kaya kapag narito ang lalaki ay todo silbi siya at gina-gawa niya ang lahat upang masiyahan ito.Pagkatapos siyang ihatid ng kaibigan mula sa kanyang kotse ay nagpaalaman muna sila at nangako siyang ipakikilala rin niya ito kay Blessie kapag nagkaroon ng pagkaka-taon.Sinadya niyang madaling araw ang biyahe para kahit papaano ay mapabilis ang lahat. Pagdating niya ay agad siyang sinalubong ng kanyang kaibigan at ilang mga katulong.Naroon din ang pa-borito niyang si manang Daleng. "Kuu',,,,iha aba'y kaninang kanina pa narito iyang kaibigan mo at hinihintay ka."Ang tinutukoy ng mayordoma ay ang kanyang kaibigang si Blessie. "Si manang talaga oh.Paano ay excited na ulit akong makakwentuhan ang kaibigan ko." "Ikaw naman ilang lingo lang buhat ng..." Bigla siyang natigilan sandali.Maiiyak na naman siya kapag maiisip niya ang kamatayan ng kanyang ama. "Hay nako best , halika na ngang pumasok sa loob."Sabi tuloy ng kaibigan niya sa kanya. Sa kanilang tahanan bagamat mayaman sila ay ayaw nila ang masyadong maging magarbo.Kung mapapansin ng iba na makakapunta roon ay di hamak na mas malaki ang kanilang lupa kaysa sa bahay.Ang iba kasi ay may nakatanim na ibat ibang uri ng bulak-lak at punong kahoy na namumunga. Maroon ding garden kung saan nakatanim ang mga gulay nilang pawang mga organic lahat.Ibang iba talaga sa lahat ang kanyang ama.Nagtataka tuloy siya kung bakit na-matay ito ng maaga samantalang masyadong maingat sa katawan ang kanyang ama.Marahil sa ilang naging problema siguro ng kumpanya na wala man lang si-yang kaalam alam na lubos na palang namumrublema ito tapos saka pa siya umalis.Napaka selfish niyang anak.Nakaramdam siya ng paghapdi ng mata at hindi niya namamalayang napaiyak na pala siya. Niyakap naman siya ng kaibigan niya ng nakita siya sa ganoong sitwasyon.Matapos niyang maligo ay isa isa niyang pinag aralan ang lahat ng history at mga report ng mga negosyo nila.Ganoon din ang lahat ng records ng mga pumapasok at lumalabas na pera.Hindi pa man ay nag uumpisa ng sumakit ang kanyang ulo.Matapos ang mahabang oras ng pag rereview ay nagpahinga muna siya.Ilang tambak narin naman ng mga papeles ang nabasa at napag aralan na niya. Ngayon siya lu-busang humanga sa kanyang daddy.Dahil sa kakaya-han nitong mapalago ang kanilang negosyo.Ayon sa pagkakaka kwento nito sa kanya ay tinulungan daw ito ng kanyang kaibigan at magkasamang nagtaguyod ng negosyo at natupad ang kanya kanyang pangarap. Ngunit gusto man niyang hanapin ang sinasabi nitong kaibigan ay huli na.Namatay na raw ito,o mas tamang sabihin na nagpakamatay ito.Nakakalungkot man ay hindi narin niya nalaman at naitanong kung ano ang naging dahilan. Wala na talagang ibang makakatulong sa kanya kundi si Matt.Ito ang higit na may alam sa pagnenegosyo. Nakapagtapos man siya sa kurso niya ngunit kulang pa siya sa eksperiensiya.Muli niyang sinisi ang kanyang sarili dahil sa katigasan ng kanyang ulo.Hindi bale magsisikap siya na lubusang napag aralan kung paano magpatakbo ng negosyo.Yun siguro ang kulang sa kanya.Hindi pupwedeng ganito nalang.Matatapon sa wala ang pinagpaguran ng kanyang ama ng dahil sa hindi eksperiensadong katulad niya.Nag iisip na humiga siya sa kama.Ang mga mata niya ay nasa kisa-me.Maraming nagsasalimbayan sa utak niya,hindi nawawala sa isip niya ang lalaki. Kahit naman kasi kuntento na siya ay hindi parin niya maloko ang sarili niya na sapat na iyon.Wala man lang kasing indikas-yon na gusto nitong magpakasal.Alam niyang babaero ang huli ngunit sa ngayon ay wala naman na siyang nababalitaang kinahuhumalingan nito ngayon at iyon ang lubusang nagpapasaya sa kanya.Ngunit ang negos-yo?Gusto niya kasing sa kanya parin manggaling ang ikauunlad nito.Siya na anak ng nagpalago nito.May nabuong ideya sa kanyang utak. "Hayyyy,,, Dad what am I going to do?Please help me." Para siyang tangang nagsasalita sa hangin. Isa pa pala ang kapatid niya.Nitong huli ay hindi niya masyadong naaasikaso.Bukas na bukas ay tatawagan niya ang detektib na nilapitan niya.Nakatulog na siya sa mga isipin. Tuwang tuwa siya sa natuklasan.Ang plano niyang pagtawag ay hindi na niya naituloy dahil sa siya ang tinawagan ng detektib na kausap niya tungkol sa nawawala niyang kapatid.Nakita naraw ito at nanini-rahan ngayon sa Pasig.Kaagad niyang ipinasundo ang kapatid at ngayon nga ay sabik na sabik ang kanyang pakiramdam dahil sa magandang balita. Nagkatinginan silang magkaibigan ng narinig nila ang pagtunog ng doorbell. Kinakabahan siyang tuma-yo kasunod ng kanyang kaibigan.Bubukasan na niya ang pinto at bago pa ay huminga muna siya ng mala-lim.Hinawakan naman siya sa kamay ng kaibigan na ngayon ay nakapatong din sa ibabaw ng kanyang ka-may at sabay nilang binuksan ang pinto.Tumambad sa kanya ang babaeng katamtaman lang ang taas.Magan-da at bakas ang pagiging aristokrada.Tumingin sa kan-ya ito at ngumiting nilahad ang mga kamay upang lumapit siya.Dinaluhong naman niya ito ng mahigpit na yakap at nag init ang sulok ng kanyang mga mata dahil sa nagbabantang luha. "Ate,Im so glad that atlast we've met.Akala ko ay hindi na tayo magkikita."Sabi niya rito habang nakayakap. "Pwede ba naman iyon?My beautiful and lovely little sister."Muntik na niyang makalimutan ang kanyang kaibigan sa likuran na alanganing nakangiti sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD