Pagkatapos ay isinama siya ng lalaki sa isang lugar na
kung saan ay parang paraiso sa ganda.Nagagalak ang
kanyang puso dahil nasorpresa talaga siya sa nakita, nawalang bigla ang kanina pang pagdaramdam sa kanyang puso.
Akala niya ay simpleng business trip lang ang
mangyayari subalit mukhang may iba pang plano ans
lalaki para sa kanya.Nakapagpalit na siya ng bihisan pampaligo dahil bukod sa ganda ng lugar ay maganda rin at umiilaw sa liwanag ng buwan ang imahe ng karagatan.Nakita niyang nakaupo ang lalaki malapit sa bonfire sa tabi ng dagat.Pinagmasdan niya ito buhat sa
likuran.Napaka kisig ng lalaki kahit sa malayo ay ta-kaw pansin.Mabuti na lamang na silang dalawa lang ang naroon.Hindi niya kasi masasabing hindi ito
puputaktihin ng mga babae dahil alam niya ang
karisma nito.Dahan dahan siyang lumapit rito at niya-kap ito buhat sa likuran.Seryoso lamang siyang nili-ngon ng lalaki.Bagamat napahiya sa kanyang ginawa ay hindi siya masyadong nagpahalata na tila ba napa-kalalim ng iniisip nito at hindi man lang napansin ang kanyang kasexyhan sa suot niyang two piece black bikini.Sinadya pa naman niya iyon dahil sabi ng mga kaibigan niya ay maganda raw ang kanyang katawan.Pwede nga raw siyang sumali sa binibining pilipinas na tinawanan lamang niya.Tahimik na lang siyang umupo sa tabi nito.Naka trunks ang lalaki kayat iniwasan niyang mapasulyap sa gawing iyon."Hindi ba tayo maliligo?" Nahihiyang sabi niya.
"For once in your life, had you experience something tragic?."Imbes na sagutin ang kanyang tanong.
Nakaramdam naman siya ng kasiyahan at pagmama-laki sa sarili dahil ito ang hinihintay niyang pagkakata-on.Ang malaman ang pagkatao ng taong mahal.
"No.Why? Had you? Sagot naman niya sa tanong nito.
"Once."
"Oh,im sorry."May bahid ng pagka-awa sa kanyang boses.
"And it has change my entire life living in misery and all this time waiting for the right time to take revenge for those who are responsible of what happened.And I am certain that they are going to regret every minute of it."Sinalubong siya nito ng tingin pagkatapos sabi-hin lyon.
Hinawakan niya ito sa braso upang ipadama
narito lang siya.Ewan niya kung bakit nakaramdam
siya bigla ng kaba at takot sa dibdib.Nagulat na lang
siya ng bigla siyang buhatin nito at pagkatapos ay
hinagis sa dagat.Aaminin niyang medyo nasakatan
siya sa ginawa nito lalo na ng makainom siya ng tubig
kaya kakawagkawag siya bago siya nakahuma. Nagta-taka siya ng makita niyang nakatingin lang ang lalaki at mukhang walang planong tulungan siya kaya siya na ang lumapit dito.Nang nakalapit na siya ay saka na-man nito iniabot ang kamay upang tulungan siya.
"Let's go Im starving."
Ang narinig niyang sabi nito.
Nanghihinayang siya dahil ang akala niya ay mag
lulunoy pa sila sa tubig ngunit wala naman palang
balak yata itong maligo kahit nakapang damit panligo na.Tumuloy na sila sa isa sa malaking kainan sa resort na iyon.Pawang mga seafoods ang karaniwang nasa menu.Hinayaan niyang ang lalaki ang umorder ng kanilang kakainin dahil mukhang kabisado na nito ang masasarap na pagkain doon.Sa tingin niya ay dati ng nagpupunta roon ang lalaki.Ilang babae na kaya nito ang nadala nito rito?.Pagkatapos ay umorder ito ng mamahaling alak.Hindi niya lang masabing hindi naman talaga siya umiinom ng alak.Mahina ang tole-rance niya rito at madali siyang malasing.Pero nahihi-ya naman siyang tumanggi.Bahala na,sa isip isip niya.Kahit hindi sila nag uusap buhat ng kumain at uminom ay panay lamang ang tingin sa kanya ng lalaki,na lubos niyang ipinagtataka.Panay lamang ang salin sa kanya ng alak kahit hindi niya alam kung na-pupuna nito na inuunti unti niya ang paglagok at alam niya rin namang hindi niya rin maitatago ang kanyang
pamumula dahil kahit isang lagok lang ay kumakalat
na ang pamumula niya mula ulo hanggang paa.Nang
hindi na siya halos makamulat ay tumigil na ito sa
pagsasalin.Gusto man niyang magbuka ng bibig ay hindi niya
magawa.Hinihintay niya paring magsalita ang lalaki
ngunit puro tingin lang ang ginagawa nito sa
kanya.Hanggang sa tuluyan na siyang mapapikit.
Paggising niya kinaumagahan ay masasakit ang
kanyang katawan lalo na ang pinakamaselang bahagi
ng kanyang pagkababae.Hubad rin siya sa ilalim ng
kumot.Alam niyang mayroon siyang kakaibang
pakiramdam na may nangyari sa kanya.l-inot inot
siyang tumayo at ang unang hinanap ng kanyang
mga mata ngunit naikot na niya ang buong silid na
inuokopa nila ay wala parin ni anino ng lalaki.
Hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot
dahil sa nangyari.Hindi niya man lang naramdaman
ang isang espesyal na sandali na mangyayari sa isang
babae.Pero lolokohin niya ang kanyang sarili kung
sasabihin niyang wala siyang nakakapang kasiyahan
sa kanyang damdamin.Lalo na't nakaulayaw niya ito
a buong magdamag.Sayang nga lamang at wala siyang naalala kahit kaunti sa mga nangyari kagabi.Ang gina-wa niya ay naligo at nagpalit ng damit,upang hanapin ang lalaki. Ilang oras pa siyang naghahanap ngunit napagpasyahan narin siyang tawagan ang telepono ng lalaki.ILang beses niya ng sinubukan ngunit nag riring lang ito ng nagriring ngunit walang sumasagot.Kaya ang ginawa niya ay nagtanong na siya sa information at doon niya nalaman na kanina paraw nag check out ang lalaki.Nagtataka siya bakit iniwan siya nito ng hindi man lang nagpapaalam. Maghahapon na ngunit wala paring Matt na nagpakita sa kanya.Naghintay siya roon sa pag asang susunduin siya ng nito,ngunit tila nakalimutan na siya nito.
"Hindi kaya may biglaang lakad ito at hindi na siya
pinagkaabalahang gisingin?"ngunit bakit hindi man
lang nag iwan ng note ang lalaki upang hindi siya nag
aalala rito.Nagpasya na siyang mag ligpit ng kanyang mga gamit at nagdesisyong umalis na sa lugar na iyon. Bago siya umalis ay hindi niya napigilang tapunan ng tingin ang kamang may bahid ng dugo,tanda ng kani-lang pagmamahalan kagabi.Tatawagan niya sana ulit ang lalaki ngunit may naunang tawag na pumasok sa
kanyang cellphone. Pagkarinig ng mensahe ng tawag ay kusang bumagsak ang cellphone niya sa sementa-dong sahig.
"Noooo000....!!!Hindi totoo!!!Hindi totoo iyannn!!!"
Naramdaman niya nalang na tinutulungan siyang
tumayo ng ilang taong nakakita sa Pagkakabagsak niya rin sa sahig kasabay ng kanyang nabitawang telepono. Sunod sunod ang patak ng kanyang luha na nauwi sa hagulgol.Plnagkakaguluhan na siya ng mga tao dahil sa naging hitsura niya,ngunit para siyang bingi na walang naririnig sa mga itinatanong ng mga ito.Hindi makagalaw ang kanyang katawan na sa sandaling iyon ay manhid.
"Oh God!Oh God!"
Ang lahat ng mga araw na sinayang niya ay iniluluha niya ngayon.Ang taong inaasahan niyang makaka-ramay niya ay wala roon.Ang mga taong naroon ang siyang karamay niya at napatakip ang mga kamay sa bibig sa sobrang awa sa babaeng nakasalampak sa sahig.Nagkalat ang laman ng bag ng dalaga.Ni ang mumunting mga sugat sa kanyang mga palad ay hindi niya alintana.Ang tanging naririnig niya lang ng mga oras na iyon ay ang boses ng kanyang papa na laging sinasabi sa kanya sa tuwing nalulungkot siya.
"Kahit ano pa anak ang hilingin mo,hanggat ikaliligaya mo.Naririto ako sa tabi mo palagi.Kung magkakaroon ka ng problema'y isumbong kaagad kay daddy at akong bahalang lahat my little angel. Because I love you tatandaan mo lagi iyan anak."