Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ay sinundan ni Vince ang magkasintahan na si Eli at Dave. Sa wakas ay huminto na rin ang mga ito sa isang silid. "Carmela?!" Awtomatikong narinig niya ang t***k ng puso nang makita si Carmela na nagbukas ng pintuan. Naisandal niya ang kanyang likod sa katawan ng isang puno na naroon sa malapit sa silid ni Carmela. Pilit na kinalkal sa isipan ang nangyari sa kanila nang nagdaang gabi. Mula sa hugis ng katawan at kutis. Si Carmela at ang babaeng nakasama niya kagabi ay iisa! Kaya pala ganoon na lamang ang reaksyon at epekto nito sa kanya. Walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama niya ngayon. Totoo ang sinabi ng binatilyo. May dalang swerte ang pulseras na nabili niya. Ipinasya niyang maghintay na umalis ang magkasintahan at kailangan na niyang makausap an

