Ang daming arte ni Ethan, may pa-blind fold blind fold pang nalalaman. Nasa concert kami tapos naka-blind fold? Ano kaya yun? Sana nagkulong nalang ako sa kwarto at nag-earphones tapos pinakinggan nalang yung mga kanta ni Justin Bieber. “Kapag ako nadapa dito, yari ka sakin!” “Oo na.” “Malayo pa ba tayo?” “Malapit na.” “Aba Ethan, wag mong sabihin sakin na magdi-dinner tayo sa stage.” “Elle, hindi tayo magdi-dinner sa stage. Kung magdi-dinner tayo, dadalhin kita sa five star hotel, hindi sa concert stage.” Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa sinabi niya kahit mukhang naiinis na siya sa kakatanong ko. Nai-imagine ko tuloy si Ethan na napaka-sungit nanaman ng mukha. “Malayo pa ba tayo? Kanina pa tayo nagla-lakad ah!” “We’re here.” Parang tumigil yung t***k ng puso ko

