“Ano nanaman yang binabasa mo?” Inirapan ko siya “Anong pake mo?” “Siya nanaman? Don’t tell me, hindi ka pa nakaka-move on?” “Pwede ba Blaze, limang taon na ang nakakaraan at naka-move on na ako.” “Then why are you reading that?” Tinuro niya yung hawak kong magazine na may article ni Ethan “Lumayas ka nga dito Blaze Villanueva! Shoo! Alis!” Humalakhak lang siya at umupo sa couch “Pinapaalis mo ‘ko samantalang dati ay ayaw mo na alisin yung tingin mo sakin.” Tinignan ko siya ng masama at nag-akto naman siyang zinizipper yung bibig niya. Nasa photoshoot kasi kami ngayon at break namin kaya nangungulit nanaman siya dito sa dressing room ko, lagi siyang nakiki-share sakin ng dressing room kahit meron naman siyang sarili. Nakakairita talaga pero okay lang, nasanay nadin ako. Si Blaze p

