Day 3 - Elle Gomez's Point of View - Bwisit yung Ethan na yun! Ang sarap sipain papuntang Mars. Pano ba naman kasi, ang sabi niya sasabihin niya sakin yung desisyon niya kung pupunta ba siya ng concert ng aking pinakamamahal na si Justin Bieber kahapon pero ano? NGANGA! Hindi siya nagparamdam buong araw kahapon Hindi namn lang pumunta dito sa bahay o kaya mag-call or mag-text man lang. Hay nako! Naii-stress ako! "Elle" Paniguradong si Ate Ella to. "Pasok ka, Ate." "May gagawin ka ngayon?" Tanong niya sakin "Wala. Why?" "Tara mall tayo? My treat." Once in a blue moon to mangyari! "Aba Ate! Anong nakain mo? Ngayon ko lang ata narinig yang salita na yan sayo? Mabuti naman nadagdag yan sa vocabs mo." Pang-aasar ko sa kanya "Dadaldal ka o babawiin ko yung sinabi ko?" "Ang sina

