-Elle Gomez’s Point of View- Tatlong araw na hindi nagpapakita sakin si Ethan, nanlalambot na ako. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila but I don’t wanna look clingy tsaka andun si Charmaine. Puro text lang ang communication namin, minsan ay tumatawag siya pero nagmamadali pa, inaayos daw kasi nila yung welcoming party ni Charmaine. Speaking of welcoming party, mamaya na pala yun at invited kaming buong tropa. Kung hindi lang yung mama ni Ethan ang nagpa-invite samin, hindi ako pupunta kasi unang una, hindi naman welcome dito yun, ano pang use ng welcoming party niya? Masquerade ang theme ng party at hanggang ngayon, wala pa akong susuotin, hinihintay ko kasing magyaya ang F5 at kung sakali namang hindi sila magyaya, edi okay lang at least may dahilan na ako kung bakit hindi ako pumun

