"Good morning po, lola. Good morning, Chase." "Magandang umaga din, iha. Oh, mag-almusal na kayo, medyo malayo-layo din ang lalakarin niyo." May nakahain na paksiw na bangus at kanin sa lamesa. Napalunok ako, ngayon lang ako makakatikim ng ganitong pagkain. Alam ko ang tawag dito, pero hindi pa ako nakaka-kain. "Ang sarap pala nito, lola!" "Nambola ka pa, iha. Kumain kayo ng madami, wag kayong mahiya." "Totoo naman pong masarap 'to!" Sabi ni Chase Tawa lang kami ng tawa nila Lola at Chase habang kumakain. Yung asawa niya pala at yung apo niyang lalaki, nasa bayan para magtrabaho at babalik din dito mamayang gabi. "Teka lang ha? Mahihiga lang muna ako saglit. Sumusumpong nanaman yung rayuma ko." "Ah osige po, lola. Kami na po bahala dito." Nang makapasok si lola sa kwar

