"Ethan, samahan mo naman ako sa mall." "Ayoko. May sarili kang paa, may sarili kang kotse, you can drive, malaki ka na so go with your own." "Fine!" Tumigil ako sa tapat ng pintuan ng bahay namin nang marinig kong ini-start niya na yung engine nung sasakyan niya. Aba! Hindi man lang nagpaalam! "Nakakainis!" Nagiging masungit nanaman siya sakin and he's giving me cold treatments again! Padabog akong umakyat ng kwarto. Nakakainis talaga! Binitbit ko sa leeg yung teddy pig na binigay niya sakin at hinagis sa kama ko. Tumayo ako sa kama dahil masyadong malaki yung stuff toy para magalitan ko ng nakaupo. "Ethan!" "Bakit nagsusungit ka nanaman? Bakit hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka na? Hinihintay ko na tawagin mo akong vani—Sino ba yang tumatawag na yan? Istorbo sa

