-Ethan Hernandez's Point of View- Magkakaron daw kami ng long weekend kasi may event na gagawin sa school at mga teachers tsaka school officials lang ang pupunta kaya nagyaya si Luke sa villa nila sa Tagaytay. Dun daw magbabakasyon kaming magkaka-barkada at kasama na sila Elle dun tsaka yung mga kaibigan niya. Ako ang naka-schedule ngayon kaya sakin naka-sakay si Elle ngayon. Ang ingay ingay talaga niya. Kanta ng kanta kala mo palaging may concert tapos kwento ng kwento ng kung ano-ano, hindi nauubusan ng topic .Tsk On the way na kami papuntang Tagaytay nang biglang tumirik yung kotse sa gitna ng daan. Napailing ako. Wrong timing, kung kelan naman madilim na. "Hoy Ethan, anong nangyari?" "Nasiraan tayo." "Teka, diyan ka lang. Wag kang bababa." Lumabas ako ng kotse at tinign

