-Ethan Hernandez’s Point of View- Sino ba ‘tong pa-importanteng bwisita na ‘to at kailangan pa akong pa-uwiin agad at istorbohin ang date namin ni Elle. Nakaka-badtrip! “Good evening po, sir.” Bati sakin ng mga maids namin. Nilagpasan ko lang sila, I don’t care, badtrip ako ngayon. “Kuya!” Sigaw ni Kennedy at humarurot papunta sakin “Why? What? Bakit kailangan niyo akong pauwiin? Sino ba yang BWISITA na yan?” “Hello Ethan, bwisit na pala ang tingin mo sakin ngayon.” I know that voice. Tumingin ako sa second floor, tama nga ako, siya nga at nagbalik na siya. She’s still the same old Charmaine that I loved. Past tense na yun dahil si Elle na ang present at siya nadin ang magiging future. “Why is she here?” Nagkibit balikat lang si Kennedy Rinig na rinig ko ang tunong ng sapatos niya

