Nagpalipas kami ng gabi sa masukal na kagubatan ng Owassu. Napagpasyahan naming bukas na kami maglalakbay pabalik ng Claremur dahil masyado nang delikado ang sitwasyon sa buong Delta ngayong nagsimula na ang quarterly clash. Nakahanap si Quattro ng isang mayabong na puno ng oak tree sa gitna ng kagubatan kung saan kami magpapalipas ng gabi. Ipinagbawal ang paggawa ng bonfire dahil baka matunton kami ng mga kalabang posibleng umaaligid lang. Nakapalibot sa malaking puno ang lahat. Nasa tabi ko si Pea at sa kanan ko naman ang magkakambal na Russell at Rachelle. Halos ikubli kami ng malalaking ugat ng puno na sa tingin ko'y ilang daang taon nang narito sa kagubatan. Napapaligiran din ng malalaking ferns at heliconia ang paligid nito kaya hindi kami kaaagad makikita kapag nagkataong may mali

