Naiwan ako sa puntod ni Pea habang ang iba'y paalis na. Magpapatuloy na kami papuntang Claremur kung saan naghihintay sina Alec at ang mga bata. Pinahid ko ang mga luhang kanina pa walang tigil na umaagos sa aking pisngi saka ako nagpaalam sa kaibigan ko, "Pea, I feel bad you did not mean what you promised before. That we should stick together. Masakit na iniwan mo kami, without a sight of what's going to happen -if your sacrifices were worth it. Patawarin mo ako kung napagdudahan kita. Hindi ako perpektong nilalang at hindi ako perpektong kaibigan; pero yung pagmamahal ko sa'yo, hindi 'yon nabawasan simula no'ng naging magkaibigan tayo. I wish you forgive me," Napasinghay ako ng malalim. Bagsak pa rin ang balikat ko habang nakaharap sa puntod nito na pinatungan ng mga bato at wild flowers

